shock absorber (syak ab•sór•ber) : ispring na nagbabawas o nagpapahinà sa puwersa ng yanig sa isang sasakyan
shock (syak) 1: matinding banggaan, pagyanig, at iba pa 2: pagkabigla at nakapagdudulot ng kaguluhan sa damdamin, pagkilos, at iba pa 3: pagkawala ng málay o pagbulagta makaraang masugatan, masaktan, at iba pa, lalo kung nawalan ng maraming dugo 4: kaguluhan na nagiging sanhi ng pagbuway ng organisasyon, sistemang pananalapi, at iba pa 5: shock absorber
shock wave (syak weyv) : matinding pagbabago ng presyon sa makitid na rehiyon at dumadaloy sa pamamagitan ng simoy at iba pa, sanhi ng pagsabog o ng lawas na gumagalaw nang higit na mabilis sa tunog